Bilang hudyat ng pasimula ng Katekesis sa pampublikong paaralan para sa Taong 2015 – 2016, muling nagkasama-sama ang mga katekista ng Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila para manalangin sa Banal na Espiritu sa pamamagitan ng Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya na pinamunuan ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio G. Kardinal Tagle, Arsobispo ng Maynila noong ika-17 ng Hulyo na ginanap sa Lay Formation Chapel, San Carlos Pastoral Formation Complex, Guadalupe, Makati City.
![]() |
Rev. Fr. Carlo Magno Marcelo |
Sa pagtitipon ding ito, inihayag at ipinakilala ng ating butihing Kardinal Tagle ang kanyang itinalagang bagong Minister ng CFAM sa katauhan ni Fr. Carlo Magno Marcelo. Siya ay nagtuturo ng Liturgical Music, kumatha ng mga Liturgical Songs tulad ng Jubilee Song, Magnificat, Only Selfless Love, Awit sa Santo Rosario at iba pa. Siya rin ay naitalagang Director ng Institute of Catechetics of the Archdiocese of Manila noong ika-2 ng Enero, 1997.
![]() |
Rev. Msgr. Gerardo O. Santos |
Si Fr. Carlo ang kahalili ni Msgr. Gerardo O. Santos na naglingkod sa CFAM sa loob ng 22 taon mula noong ika-1 ng Abril, 1993 hanggang ika-16 ng Hulyo, 2015. Sa ngayon, si Msgr. Gerry ay ang bagong Kura Paroko sa Parokya ng Sts. Peter and Paul, Poblacion, Makati City.
Maraming Salamat
Msgr. Gerry at Maligayang Pagdating Fr. Carlo!